Saturday, December 22, 2012

Pasko sa Pilipinas Natin

Pasko sa Pilipinas Natin from beerandy videos on Vimeo.

a Project by PN Media Group & Special Events
Song Written by: Khey'Em
Music Produced & arranged by: Lexter da Vyrus
Conceptualized by: Lex Cabacungan
Videograph by: Kenichi & Beerandy
Edited by: Beerandy Videos
Video Produced by: Tope Rivera & Mark Daquiz

Pasko sa PILIPINAS NATIN

I.
Diba kayganda sa Araw ng Pasko,
Malilimutan ang lahat ng problema mo,
Lahat ay nagkakaisa at kapit bisig,
Ang Pasko sa Pilipinas ay pag-ibig,
Lahat ay nagtutulungan at sama sama,
Sa pag-ilaw ng parol at mga tala…

Nagsama2x ang lahat na magsimbang gabi,
Yan ang nakaugalian sadyang ganyan kami,
At masaya dito lahat nagbibigayan,,
May parol, x-mass treeng nag iilawan,
Sa Pilipinas Natin buhay ay pag asa,,
Tayoy Pinoy lumalaban sama sama…

Chorus.1
Halinat sumabay at salubungin ang pasko..
Ipagdiriwang ang pasko ng pilipino…
Kami ay nagkakaisa,nang dahil sayo.
Ikaw ang ilaw at gabay ng mga tao…


II.
(hey!)
Kasama mo kami, walang iwanan,
At hindi magbabago magpakailanpaman,
Makakaya ang lahat walang imposible,
Ang pag-ibig ay mananatili…
Oh Paskong Pinoy ay Punu ng Ligaya,
Nagdiriwang kami ng sama2x...

Ohh.nag iilawan na ang mga tahanan,
Ang lahat tila ba nagkakantahan,
Oh walang katulad ang pasko sa Pinas,
Nananatiling matatag at di kumakalas.
Merong Hamon,Keso de bola, mga kakanin,
Nagbibigayan at sanay Pagpalain…


Chorus.2
Halinat sumabay at salubungin ang pasko,
Ipagdiriwang ang pasko ng Pilipino…
Respeto at pag galang ang syang inihain,
Hindi bitin dito sa Pilipinas Natin…


RAP

Nagsama sama Lahat sa paglakbay at pagtulong
Nagkakaisa, sabay abot sa mga pulong
Ng diyos, ang dahilan kung bat tayo nagdiwang
Pagsalubong sa lahat, araw ng kanyang pagsilang,

Kislap ng mga tala mga huni ng bituin
Isang araw sumisimbolo sa PILIPINAS NATIN
Di nagsawa na tumulong, di nasayang ang oras,
Regalo namin para sa inyo, ay Tsinilas.

Sabay na magbuklod sa kanilang masisilungan
Ang pasko ay pag-ibig maraming matutulongan
At iba, kung magdiwang ang pasko ng Pilipino,
Kulay kayumanggi, ang lahat samin saludo

Tatak sa aming puso, lupa na sinilangan
Ibig sabihin samin ng PAsko “Pagmamahalan”
1 love, merry x-mass, itoy sariling atin,
Ipagdiriwang ang pasko sa PILIPINAS NATIN.
 

 
 
 

No comments:

Post a Comment