Friday, November 30, 2012

Makabayang Hakbang


buluntaryong inaalay mula sa pusong may kalinga,
isang mumunting bagay na mag bibigay saya,

sa mga bata na ang pag unawa ang kailangan,
isang chinelas lang ang gamit sa bawat pag hakbang,

patungo sa daan na kung saan merong liwanag,
kaunting tulong upang ma abot lang ang hinahangad,

mabahiran ng ngiti ang bawat labing may pag asa pa,
kinakailangan ng kamay upang iwasang madapa,

para sa mga bata na namulat ng payapa,
nabubuhay ng malaya, dito sa mundong madaya,

na tila ba ay nabalutan ng karangyaan,
mabigyan sana ng pag asa na mag sisilbing daan,

sa pintuan na maraming naka sulat na hiling,
ngunit sa likod ay may hindi masukat na daing,

hinahanap ang damdamin na bukas sa pag alalay,
nangangapa pa sa dilim sanay merong gumabay,

chorus: 2x

Sanay kahit minsan man lang
ay kanilang maramdaman
na may pag-asa sa bawat hakbang
kaya huwag kang matakot madapa



mga paang makalyo na na sanay sa tinik,
dumaan sa kalbaryong merong buhay mapait,

paano makikita kung mga matay naka pikit,
pagkat walang matang malinaw pag nasilaw sa inget,

bukas na pananaw puro sarili ang tina tanaw,
kailan kaya magigising kung sa pag ibig ay uhaw,

mga bituka na manhid sa sitwasyong mapanglaw
na naka tikom ang bibig halos hindi maka galaw,

madami na ang problema at tanong na naka pila,
sanay ma sagot ng mga nag kumpuning idea,

upang makulayan ang buhay na kanilang pinipinta
wag mong sabihing silay naiiba,

lagi mong isipin na may puso rin sila,
walang halaga na kung mag babalat kayo kapa,

madami na ang na damay hindi kaba nadalala
anong silbe ng lampara kung liwanag na taglay ay peke lang pala,
(anong silbe ng maraming pera kung sa pag mamahal ay kulang ka,)


chorus: 2x

Sanay kahit minsan man lang
ay kanilang maramdaman
na may pag-asa sa bawat hakbang
kaya huwag kang matakot madapa


kaya gising kapatid, hindi mo ba nababatid,
na sa tulong moy isa ka sa mga mag hahatid,

upang silay maka tawid, sa paraiso na pinapangarap,
ang lugar na kung saan sila ay nararapat,

katulad ng iba sila ay nangangarap din,
sa chinelas mong dala malayo ang mararating,

bawat abante ng paa, laging pag asa ang dala,
hinaharap ang bukas na merong ligaya may saya,

maniwala kang lahat silay bayani,
walang mahirap kung walang panibughong nag hari,

dapat pag usapan kung anong hindi mawari,
sana nga sa pusoy kabutihan lang ang mamalagi,

ang chinelas hatak hatak,
habang lapis at papel ang hawak,

pinipilit mag sulat,
sa lamesang naka lapat,
basahin mo nakalagay,
marami pong salamat,


chorus: 2x

Sanay kahit minsan man lang
ay kanilang maramdaman
na may pag-asa sa bawat hakbang
kaya huwag kang matakot madapa

No comments:

Post a Comment